« whats left of me | Main | - as i mature - »

...to a friend...

hinde ko alam kung saan ako magsisimula... kakabasa ko lang kasi sa blog ng isa sa matalik kong kaibigan, at ewan, parang masyado ata akong nadala, o talagang naramdaman ko lang kung ano yung nararamdaman nya...

blockmates kami nung college, pero naging talagang magkakilala kasi madalas nagkakasabay na tumatakbo papunta sa class, palagi kasing late! hehe, noon palang talent na namin yun. at mula nga nun, naging magkaibigan na... marami kami nun, at magkakasama kung kumain sa kung saan-saang lupalop sa diliman; ubusin ang lahat ng pelikula sa sm north at film center, as in lahat; magbaraha sa tambayan at kung saan man, umulan man o umaraw, mula umaga hanggang gabi; maggroup study na nauuwi sa kwentuhan at tulugan; magtelebabad hanggang madaling araw; magovernight, tumambay, mag-internet, magkwentuhan, mag-asaran, at marami pang iba. eh pareho pa kami ng org, so good luck nalang talaga. buti hinde kami nagkakasawaan... at dun nagsimula ang lahat lahat, at sa pagtagal, mas nakilala pa namin ang isat isa. kung ano ang gusto, kung ano ang ayaw, kung ano ang topak, kung ano ang sayad... mas nagkasama kami nung nasa grad studies na kami, sabay kasi kaming pumasok. 1.5 yrs din yun, ganun nya ko katagal tiniis, hahaha! kami pa palagi ang magkapartner, or no choice lang talaga sya? hehe... bigla ko tuloy naalala yung report namen na ako lang yung intro tapos sa kanya yung buong discussion, hehe, ang daya ko pala! ok yung samahan namen nun, parang hinde kami tumatanda. hinawaan nya nga ko sa panonood ng cardcaptor sakura eh. kaya ayun, niregaluhan tuloy nya ko ng manga nung bday ko, hehe. pero nung bday nya, ako naman! niregaluhan ko sya ng isang deck ng magic cards, at ayun, syet naadik talaga sya, at syempre pati ako. kahit san ata kami mapadpad eh naglalaro kami, at sobrang kung saan-saan kami nakakarating para lang hanapin yang mga hinayupak na rare cards na yan! adik talaga... madalas din kaming manood ng movie nun, yung mga horror pa. mukha nga lang ewan, kasi after manood, sobrang naduduwag. madalas ding tumambay sa kung saan, at pagusapan ang kung anuanong mga bagay at sentimyento sa buhay. naging at ease na talaga kami sa isat isa, kaya one of my bestfriends talaga yan. ok syang kaibigan, hinde nakakalimot. nitong birthday ko nga binigyan nya ko ng stuffed toy, unggoy nga lang, grrr!! hehe, joke, fave ko kaya yun. at nung magpaalipin nga pala ko sa ibang lupalop ng mundo, sya lang talaga ang constant penpal ko, taga-update sa lahat ng nangyayari sa pinas, sa mga nangyayari sa barkada, at sa kung ano pa. for more than a year, sya lang talaga ang nakapagtyaga sa mga sentimyento ko sa buhay... kaya nga mahal ko yan eh! at sobrang namiss ko talaga... ang dami ko kayang natutunan dyan, at natututunan, sa buhay, at sa kung ano pa... kunwari, mas marami syang problema at responsibilities sa buhay, pero ang galing kasi parang ang cool pa rin. hinde ko nga alam kung pano nya ginagawa yun, pero ang galing talaga. minsan, kapag sablay na ko, talagang sinusupalpal nya naman ko para matauhan. buti at napagtityagaan nya pa rin ako... hinde nya siguro alam, pero ang laki ng impact nya sakin. and in so many ways, im just so thankful that she has been a part of my existence...

at sa tinagaltagal nga pagsasama namin, eh hinde ko maiwasan na maramdaman kung ano ang nararamdaman nya nung paalis na sya. halong saya at lungkot na hinde mo maintindihan, visible masyado sa mukha nya, at sa kung pano sya kumilos at magsalita. hinde nya pinapahalata, pero ewan, alam ko eh. at nung mabasa ko nga yung blog nya kanina, sobrang muntik na kong maiyak. pang maalaala, hehe.. anyway, mukha namang ok na sya, and i just hope na she really is. anyway uli, if she needs anything, andito lang naman ako, andito lang kami. miss you jo, and thanks for everything, lalo na sa pagdala mo sakin dito sa upm, alam mo namang eto talaga ang gusto ko... basta, san man tayo mapunta, eto lang ang tatandaan natin, that all things work together for good to them that love God, to them who are called according to His purpose... love you... :)

                            

Comments

shet..nakakaiyak naman 2ng blog na to...

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .